Asahan na ang pagkakaroon ng surge ng COVID-19 cases sa bansa pagkatapos ng holiday season.
Ayon kay World Health Organization Representative to the Philippines Rabindra Abeyasinghe, nabalewala ang physical distancing nitong holiday season at ng Kapistahan ng Itim na Nazareno.
Para sa maagap na pagtugon sa holiday surge ay early detection at isolation.
Batid din ni Abeyasinghe na marami pa ring Pilipino ang duda sa mga bakuna at ayaw na tumanggap nito sa harap ng plano ng pamahalaan na ilunsad ang nationwide vaccination program.
Sinabi naman ni Health Secretary Maria Rosario Vergeire, na malalaman sa susunod sa linggo kung mayroong pagtaas ng kaso bunga nitong holiday season.
Kailangan din nila ng tatlo hanggang apat na linggo para malaman kung ang Traslacion ay nagdulot ng surge ng COVID-19 cases.
Dagdag pa ni Vergeire, ang mga bakunang papasok sa bansa ay kailangang mapanatunayang ligtas at epektibo ng Food and Drug Administration (FDA) bago ito gamitin.
Sa katapusan ng Enero, isang specific priority list para sa vaccine program ang isasapinal.