Malabong magkaroon ng COVID-19 surge sa buong buwan ng Mayo.
Ito ang sinabi ng health advocate na si Dr. Anthony Leachon sa kabila ng babala noon ng World Health Organization (WHO) at ng Department of Health na sisipa ang kaso ng COVID-19 pagkatapos ng eleksyon.
Ayon kay Leachon, wala siyang nakikitang pagsipa ng kaso ng COVID-19 ngayong buwan dahil na rin sa malalakihang bakunahan na isinagawa simula noong huling quarter ng 2021 at ang pagkakaroon ng natural immunity bunsod ng Omicron variant.
Pero babala ng health expert, hindi man magka-surge ngayong Mayo ay posible naman itong mangyari sa Hulyo.
Pero ayon kay Leachon, mapipigilan naman ang surge kung marami ang makakapagpa-booster.
Nabatid na sa nakalipas na dalawang linggo, nakapagtala ang bansa ng average daily COVID-19 cases na mababa pa sa 200 at positivity rate na 1.2%.