COVID-19 surge, posibleng maranasan ulit kung hindi palalakasin ang testing – Dr. Leachon

Nagbabala ang isang health expert na posibleng maging “artificial” ang nararanasang pagbaba ngayon ng kaso ng COVID-19 kung hindi ito paghahandaang mabuti ng gobyerno.

Sa interview ng RMN Manila, iginiit ni dating National Task Force Against COVID-19 Special Adviser Dr. Tony Leachon na dapat ding maglatag ng safeguard measures ang pamahalaan lalo’t marami nang tao ang papayagang makalabas.

Inihalimbawa niya rito ang pagbibigay ng libreng testing at pagpapataas ng vaccination rate.


“Ang cycle po natin, kapag nagkaroon tayo ng surges, ang automatic nating ginagawa ay lockdown, tapos kapag nagkaroon ng minimal na pagbaba ng cases, magbubukas tayo ng ekonomiya, todo-todo pa,” paliwanag ni Leachon.

“Ibig kong sabihin, yung safeguard measures to protect our people, wala dun. So dapat ito, kung gusto mo buksan talaga ang ekonomiya, ang magmo-monitor ng number of cases is the testing. Makikita mo ito, kapag di nila ito ginawa, in two weeks’ time, magse-surge uli ito kasi gagalaw ang tao e,” dagdag niya.

Bukod dito, naniniwala rin si leachon dapat ibuhos muna ang mga bakuna sa mga essential workers sa halip na iturok sa mga kabataan.

“For example, ang healthcare workers natin, lipas na yung Sinovac nila na 6 months yan, dapat yung Pfizer o Moderna na mRNA vaccine na ginagamit pang-booster, ibigay muna sa healthcare workers kasi sila ang nagtatrabaho. Yung mga bata, kahit bakunahan mo sila, e sila naman e nasa bahay hindi sila at risk, e bakit mo sila babakunahan pano kung maging superspreader event pa sila?”

Facebook Comments