Mula 111.80% ay pumalo na sa 117.24% ang COVID-19 average daily attack rate (ADAR) sa National Capital Region (NCR).
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), 17,069 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa NCR kahapon habang ang seven-day average nito ay nasa 16,599.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nagsisimula pa lamang ang surge ng COVID-19 sa ilang bahagi ng bansa habang tumataas o “matured” na ang surge sa maraming highly urbanized cities (HUCs).
Aniya, “very high” ang ADAR sa mga lungsod ng Angeles (29.33); Baguio (52.52); Naga (28.01) at Santiago (26.89).
Samantala, noong Enero 10, bumaba na sa 3.77 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa NCR mula sa 6.12 noong Enero 3.
Sabi ni David, posibleng sa susunod na linggo ay maabot na ng NCR ang peak ng COVID-19 pero hindi pa malinaw kung kailan makikita ang downward trend nito dahil sa kakulangan ng detalyadong datos.