COVID-19 surge sa kalagitnaan ng taon, posibleng mangyari – Galvez

Nagbabala ang pamahalaan sa panibagong surge o bugso ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., posibleng mangyari ang COVID-19 infection surge sa Hunyo o sa Hulyo.

Iginiit ni Galvez na hindi pa natatapos ang pandemya at posible muli itong tumindi.


Partikular na tinutukoy ni Galvez ang iba’t ibang variants ng COVID-19 na nasa bansa na.

Bagamat umarangkada na ang vaccination program, sinabi ni Galvez na ang bisa ng bakuna ay malalaman pagkatapos ng anim hanggang siyam na buwan.

Sa tulong ng pribadong sektor at local government units, palalakasin ng pamahalaan ang mga istratehiya sa paglaban sa pandemya, sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga bagong testing laboratories, swabbing centers at treatment facilities sa buong bansa.

Pinabibilisan din ang pagpapatupad ng vaccination program.

Facebook Comments