COVID-19 surge sa susunod na dalawang linggo sa bansa, ibinabala ng isang health expert

119

Nagbabala ngayon ang health expert na si Dr. Anthony Leachon sa posibilidad na magkaroon ng COVID-19 surge sa susunod na dalawang linggo.

Sa interview RMN Manila, sinabi ni Leachon na ito ay dahil na rin sa Delta at Omicron variant na dahilan kaya unti-unti nang tumataas ang COVID-19 positivity rate sa bansa.

Giit ni Leachon, maraming mga Returning Filipino ang dumarating sa bansa at posibleng maging carrier ang mga ito ng Delta at Omicron variant.


Kasabay nito, binanatan ni Leachon ang hindi maayos na pagpapatupad ng quarantine protocols at pagsasagawa ng genome sequencing ng Department of Health.

Giit ni leachon, kung agad sanang isinalang sa genome sequencing ang ika-apat na pasyenteng positibo sa Omicron ay maiiwasan sana ang posibilidad na pagkahawa ng ibang nakasalamuha nito.

Facebook Comments