COVID-19 Survivor, Posibleng makapagpagaling sa mga Positibo sa Sakit

*Cauayan City, Isabela*- Tinatayang nasa walumpung porsyento (80%) ng recoveries o nagnegatibo sa corona virus o covid-19 ang kasalukuyang sitwasyon sa buong Lambak ng Cagayan kung ikukumpara sa ibang rehiyon.

Ayon kay Medical Chief Dr. Glenn Mathew Baggao ng Cagayan Valley Medical Center, ito ay matapos makapagtala ng 14 na nagnegatibo sa nakamamatay na sakit mula sa orihinal na bilang na 23 na nagpositibo.

Bagama’t nagnegatibo sa resulta ng nakamamatay ang nasabing bilang ay apat (4) pa rin ang nananatiling positibo sa naturang sakit ang nananatili sa CVMC habang ang isa (1) ay nasa tanggapan ng DOH-Region 2.


Samantala, nakapagtala man ng mortality ang kaso ng covid-19 ng bawian ng buhay ang isang 65 anyos na lalaki sa Probinsya ng Nueva Vizcaya ay maituturing pa rin na mas mataas ang nakaligtas sa banta ng covid-19.

Kinumpirma naman ni Dr. Baggao na maaaring kuhanan ng dugo ang mga pasyenteng nagnegatibo na sa covid-19 na siyang gagamitin sa mga pasyenteng positibo upang mas mapabilis ang pagrekober ng kanilang sakit subalit wala pang rekomendasyon sa pagsasagawa nito.

Facebook Comments