COVID-19 survivors, hinikayat ni Senator Angara na magdonate ng plasma

Hinikayat ni Senator Sonny Angara ang mga katulad niyang gumaling na mula sa COVID-19 na magdonate rin ng blood plasma para makatulong sa pagsalba sa buhay ng mga COVID-19 patients.

Para makatulong na maparami ang blood plasma donors ay inilunsad ng tanggapan ni Angara ang website na plasmangpagasa.com kung saan katuwang niya ang Bacolod City-based web developer Talking Myna.

Sa pamamagitan ng plasmangpagasa.com, ay maaaring magparehistro ang sinumang nais magdonate ng blood plasma at pwede rin silang pumili ng ospital na nais nilang pagbigyan nito.


Tiniyak ni Angara sa mga plasma donors na mananatiling confidential o lihim ang anumang personal na impormasyon na kanilang ipapasok sa website.

Diin ni Angara, marami ng mga malulubhang kaso ng COVID-19 ang gumaling matapos sumailalim sa convalescent plasma therapy kaya umaasa siyang marami ang susuporta sa kanya hakbang.

Facebook Comments