COVID-19 suspected patient na namatay, Nagnegatibo sa Swab Test

Cauayan City, Isabela- Nagnegatibo sa virus ang lalaking binawian ng buhay matapos mapabilang sa pagiging COVID-19 suspected case na residente ng Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Ayon kay Kapitan Esteban Uy, may dati ng sakit na pneumonia ang nasabing biktima na namatay sa pagamutan kaya’t agad na inilibing dahil itinuring ito na suspected case o may parehong sintomas ng COVID-19 na bahagi ng polisiya ng Department of Health (DOH).

Ayon pa sa opisyal, nakipag-inuman sa kanyang mga kaibigan ang biktima nitong gabi ng August 11 sa ilalim ng puno at dahil sa sobrang kalasingan ay nakatulog ito sa lupa ng magdamag.


Agad itong binawian ng buhay kinabukasan, (August 12) matapos isugod sa pagamutan at lumabas sa pagsusuri ng doktor na may sakit itong pneumonia.

Sa ngayon ay nakalibing ang katawan ng bitkima sa Barangay San Franciso sa lungsod kung saan nakahimlay ang mga itinuturing na COVID-19 suspected case.

Mahigpit naman ang pagbabantay ng mga opisyal ng barangay sa kanilang nasasakupan para masigurong ligtas ang mga residente nito.

Facebook Comments