COVID-19 test, hindi require para sa mga rumeresponde sa bagyo – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi kailangang sumailalim sa COVID-19 testing ang mga humanitarian workers at responders na tumutulong sa rescue at recovery efforts para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses.

Ayon sa DOH, ang testing sa mga frontliners at emergency response workers ay sakop ng Interim Guidelines on Expanded Testing for COVID-19.

Pero maaaring hindi na ito isagawa lalo na kung ang responder ay dumaan sa complete physical at medical examination at sinertipikahan ng doktor na walang sintomas.


Ang mga responders ay dapat walang history ng exposure sa mga confirmed, suspected, o probable COVID-19 case.

Dapat din nilang sundin ang tamang pagsusuot ng personal protective equipment.

Responsibilidad ng deploying agency o unit na tiyakin ang safety at welfare ng mga responders.

Facebook Comments