COVID-19 Test Kits at PCR Machine na donasyon ng Singapore, natanggap na ng DFA

Personal na tinanggap ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. mula kay Singaporean Ambassador to the Philippines Gerard Ho ang donasyon na COVID-19 test kits at Polymerase Chain Reaction (PCR) mula Singapore.

Ang PCR machine ay ikinukunsiderang gold standard para sa testing ng COVID-19.

Samantala, kinumpirma rin ni Locsin ang dadating na donasyon ng Guangzhou Municipal Government sa China na kinabibilangan ng 200,000 N95 masks; 100,000 surgical masks, at 2,000 thermal scanners/infrared thermometers.


Idederecho naman sa Manila City Government ang naturang mga donasyon at inatasan ni Sec. Locsin si Manila Mayor Isko Moreno na agad na ipamahagi ang mga dadating na donasyon.

Una na ring nagdonate ang China ng COVID testing kits, surgical masks, PPEs at thermal scanners.

Samantala, umaabot na sa 169 ang bilang ng mga Pinoy sa abroad o sa 25 na mga bansa na nagpositibo sa COVID-19.

77 sa mga ito ang patuloy na ginagamot sa iba’t-ibang bansa habang 90 ang nakarecover na.

Dalawa namang mga Pinoy sa ibayong dagat ang nasawi sa COVID-19.

Facebook Comments