COVID-19 test kits na mayroon lang 40% accuracy, ibang brand ayon sa DOH

Kasing kalidad ng test kits mula sa World Health Organization ang 2,000 BGI RT-PCR at 100,000 Sansure RT-PCR test kits na donasyon ng gobyerno ng China.

Ito ang nilinaw ng Department of Health (DOH) matapos ang naging pahayag ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na 40% lang ang accuracy ng ilang COVID-19 test kits galing sa China.

Ayon sa DOH, ibang brand ng test kit na dapat ay ido-donate ng isang private foundation ang binanggit sa press briefing kahapon. Habang ang Sansure test kits mula China ay mayroong required reagents para maging matagumpay ang pagsusuri.


Humingi naman ng paumanhin ang kagawaran sa naidulot nitong kalituhan. Una nang itinanggi ng Chinese Embassy na galing sa China ang test kit na may 40% accuracy at umapela ng agarang paglilinaw mula sa DOH.

Samantala, libu-libong test kits din mula China ang napaulat na naglabas ng maling resulta sa Spain at Czech Republic.

Facebook Comments