Pinare-regulate ni Bagong Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera ang halaga ng COVID-19 testing sa mga pampubliko at pribadong ospital at sa mga laboratoryo.
Layunin ng pagkontrol sa COVID-19 testing na magkaroon ng access ang mas maraming Pilipino sa abot-kayang screening ng naturang sakit.
Nabatid na ilang ospital at laboratoryo ang naniningil ng hanggang mahigit ₱8,000 para sa isang Coronavirus test.
Kahit ang PhilHealth aniya ay nag-aalok ng COVID-19 testing package sa naturang halaga na higit pa sa doble ng ₱3,500 na charge ng Philippine Red Cross para sa kanilang real-time Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (PCR) test.
Ayon kay Herrera, kailangang maging transparent ang halaga ng COVID-19 testing para maprotektahan ang publiko sa sobrang taas-presyo.
Iginiit ng kongresista na dapat uniform across the board at abot-kaya ang COVID-19 testing para maging accessible ito sa lahat.