COVID-19 test sa mga guro at estudyanteng lalahok sa face-to-face classes, hindi irerekomenda ng DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi nila ire-require na sumalang sa COVID-19 test ang mga guro at estudyanteng lalahok sa limited face-to-face classes.

Sa ceremonial signing ng DepEd-DOH Joint Memorandum Circular kanina, sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na isasalang lamang sila sa testing kung makaranas sila ng sintomas ng COVID-19.

Tiniyak din ni Vergeire na may nakalatag nang contigency plan sakali mang may magpositibo sa sakit.


Samantala, pinamamadali na ng DOH ang pagbabakuna sa mga guro para matiyak ang kaligtasan nila at ng mga mag-aaral sa pagbubukas ng face-to-face classes.

Facebook Comments