COVID-19 TEST SA SANTIAGO CITY, NAGPAPATULOY

10

Cauayan City, Isabela- Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang COVID-19 test ng lokal na pamahalaan ng Santiago para sa lahat ng mga residente sa Lungsod.

Isinasagawa ito araw-araw sa ITC, Four Lanes, Malvar, Santiago City.


Layon ng nasabing hakbang na malaman agad kung mayroong virus ang isang indibidwal para agad na ma-isolate sa LGU Quarantine Facility upang maiwasan ang pagkalat pa nito.

Sa kasalukuyan, umaabot sa 118 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Santiago kabilang na ang naitalang panibagong kaso na 38.

Sumirit naman sa 4,127 ang total confirmed cases sa Lungsod na kung saan ang 3,901 rito ay gumaling habang ang 108 ay nasawi.

Facebook Comments