COVID-19 testing facilities sa bansa, umabot na sa halos 100 ayon sa NTF

Umakyat na sa 97 ang bilang ng accredited COVID-19 testing facilities sa Pilipinas.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla, nakakagawa na ang bansa ng 32,000 hanggang 35,000 na test.

Bukod dito, umabot na sa 84,000 ang contact tracers sa bansa kung saan nasa 58,000 ang dumaan sa training at orientation.


Tumutulong ang National Task Force sa Local Government Units (LGU) sa pagpapalakas ng kanilang testing at tracing capacities para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Nabatid na target ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mag-hire ng 50,000 contact tracers kapag nabigyan na sila ng pondo ng Department of Budget and Management (DBM).

Facebook Comments