COVID-19 testing, hindi dapat itigil kahit may bakuna na, ayon sa WHO

Naniniwala ang World Health Organization (WHO) na mahalaga pa rin ang COVID-19 testing kahit may ipamamahagi na bakuna laban sa nakakahawang sakit.

Sinabi ni WHO Chief Tedros Adhanom Gheybreyesus na ang COVID-19 testing ay siyang pinaka-epektibong pamamaraan upang malabanan ang pagkalat ng nasabing sakit.

Dagdag pa ni Tedros, kahit may bakuna na ay hindi pa rin maaaring kalimutan ang kahalagahan sa nagpapatuloy na testing.


Binigyang diin din niya na ang testing ay bahagi lamang ng paraan para malabanan ang COVID-19.

Aniya, ang testing ay spotlight na nagpapakita kung nasaan ang virus.

Dagdag din ni Tedros na ang mga health workers at mga matatanda ang siyang prayoridad sa vaccination kung kaya’t kikilos pa rin ang virus.

Ang mga pamumuhunan sa gagawing testing ay dapat na kaparehas ng mga pamumuhunan sa mga isolation facilities, clinical care, protecting health workers, contact tracing, cluster investigation at pagsuporta sa mga quarantine.

Facebook Comments