Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ang mga COVID-19 test kits mula china ay pasok sa pamantayan ng World Health Organization (WHO).
Matatandaang inihayag ni Health Under Secretary Maria Rosario Vergeire na ang initial batch ng test kits mula China ay mayroon lamang 40% accuracy detection rate.
Nilinaw naman ito ng DOH na ang tinutukoy ni Vergeire ay isa pang brand ng test kits na donasyon ng isang private foundation.
Ayon kay Vergeire, dumaan sa assessment ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang mga test kits at naaayon sa WHO standards ang mga ito.
Sinabi rin ni Vergeire, nakipag-ugnayan na ang Pilipinas sa Chinese government para sa pagpapadala ng medical experts nila sa bansa.
Ang pagpapadala ng Chinese medical experts sa pilipinas ay layong maisagawa sa pilipinas ang mga hakbang na ginawa sa China para makontrol ang sakit.
Kaugnay nito, tiniyak ng Inter-Agency Task Force (IATF) on emerging infectious diseases na ang mga ginagamit na testing kits sa bansa ay dumaan sa review at aprubado ng DOH.