COVID-19 testing kits na na-develop ng mga scientist mula UP, target magamit sa susunod na linggo  

Plano nang gamitin sa susunod na linggo ang COVID-19 testing kits na na-develop ng mga scientist mula University of the Philippines-National Institute of Health.

Ang testing kits ay inaprubahan ng Food and Drugs Administration (FDA) kahapon.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, sa loob lang ng dalawang oras, malalaman agad ang resulta ng pagsusuri gamit ang bagong develop na testing kits.


Mas mabilis ito kumpara sa testing tool mula Japan na may running time na 24 oras.

Higit na mas mura rin ang locally-developed test kit na nasa ₱1,500 lang kada isa kumpara sa imported na nasa ₱20,000 hanggang ₱30,000.

Na-“pre-qualified” na ng World Health Organization (WHO) ang test kits.

Pero ayon kay Domingo, aabutin pa ng dalawa hanggang tatlong buwan ang full validation dito ng WHO.

Samantala, sa pagdinig ng Kamara kanina, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na may pondo naman ang pamahalaan para sa test kits pero ang problema ay ang global shortage ng mga kagamitan.

Facebook Comments