COVID-19 testing labs sa Pilipinas, nasa 100 na ayon sa DOH

Umabot na sa 100 laboratoryo sa bansa ang binigyan ng lisensya para makapagsagawa ng independent testing para sa COVID-19.

Ayon sa Department of Health (DOH), nasa 76 ang accredited Polymerase Chain Reaction facilities at 24 GeneXpert laboratories.

Mayroong 88 na iba pang laboratory ang sumasailalim sa five-step accreditation process.


Sa ngayon, aabot na sa 1,577,105 individuals ang natest para sa COVID-19.

Maaaring gamitin ng publiko ang COVID-19 laboratory tracker ng DOH para mabilis na mahanap ang pinakamalapit na laboratoryo sa kanilang lugar.

Nabatid na target ng pamahalaan na maabot ang dalawang milyong test ngayong buwan.

Facebook Comments