COVID-19 testing, mananatiling importante – Malacañang

Photo Courtesy: Gard.org

Iginiit ng Malacañang na ang COVID-19 testing para sa mga Pilipino ay mahalaga lalo na sa paglaban sa kasalukuyang pandemya.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos mapagtanto ni Pangulong Rodrigo Duterte na importante ang pagsasagawa ng mass testing sa pagkontrol ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang testing.


Bukod sa testing capacity, mataas din aniya ang testing rate ng Pilipinas.

Matatandaang naglabas si Pangulong Duterte ng Executive Order na inaatasan ang Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) na maglagay ng price cap sa COVID-19 tests.

Facebook Comments