COVID-19 testing, mas magiging agresibo ayon kay Testing Czar

Mas magiging agresibo na ng pamahalaan sa pagsasagawa ng COVID-19 test kahit ikinokonsidera ang Pilipinas na isa sa may pinakamataas na testing capacities sa Asya.

Ayon kay Testing Czar Vince Dizon, umaabot na ng 35,000 ang nagagawang test kada araw.

Doble aniya ito kumpara sa South Korea at Japan.


Aminado si Dizon na hindi ito sapat para respondehan ang nagpapatuloy na pandemya sa bansa.

Sinabi ni Dizon na sasamantalahin nila ang pagkakataong inilagay ang Metro Manila at karatig probinsya sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) para mapalakas ang testing capacity.

Dagdag pa ni Dizon, umaabot na sa 80 hanggang 85% puno ang government isolation centers kaya plano nilang magdagdag pa ng mga pasilidad.

Plano na nilang gamitin ang mga hotel para magsilbing temporary isolation facilities para sa mga magpopositibo sa COVID-19.

Facebook Comments