COVID-19 testing sa 14 na rehiyon sa bansa, bumaba

Bumaba ang bilang ng mga isinasagawang pagsusuri sa mga kaso ng COVID-19 sa 14 na rehiyon sa bansa sa nakalipas na dalawang linggo.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nangunguna rito ang National Capital Region (NCR) na mula sa mahigit 266,000 na isinasagawang COVID tests ay nabawasan ng higit 37 libong pagsusuri.

Aniya, pinasisiguro na nila na naisusumite ang arawang resulta ng antigen linelist.


Habang ipinag-utos na rin nila ang patuloy na active case finding para masiguro ang naitatalang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa ilang mga lugar sa bansa.

Tiniyak din ni Vergeire na sinusuri na nila ang pagbaba ng mga kaso kung dahil sa pagbagal nang hawaan o kung epekto ng bumabang bilang ng mga isinasagawang pagsusuri.

Facebook Comments