COVID-19 testing sa Navotas, pinalawig pa

Pinalawig pa ang mass testing sa lungsod ng Navotas upang maserbisyuhan ang mga constituents na nais humabol para sa COVID-19 testing kahit nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Sa statement ng lokal na pamahalaan, pinalawig pa hanggang August 12, 2020 ang libreng mass testing.

Sa mga residente na nais magpatest, ay maaari silang mag-walk in sa Navotas Sports Complex mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.


Kinakailangan lamang magdala ng valid ID patunay na sila ay residente.

Ipinaalala naman ng Local Government Units (LGU) na ang community testing ay libre para sa mga mahihirap na residente at paraan na rin para maagang malaman at makontrol ang pagkalat ng sakit.

Facebook Comments