COVID-19 treatment drug na Ronepreve, dapat isailalim pa sa mas masusing pag-aaral ayon sa DOH

Inihayag ng Department of Health na dapat isailalim pa sa mas masusing pag-aaral ang COVID-19 treatment drug na Ronapreve bago bumili ang gobyerno para sa paggamit nito locally.

Ito ay sa kabila ng pagbigay ng emergency use authorization ng Food and Drug Administration ang naturang gamot.

Paliwanag naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan muna ng rekomendasyon nito mula sa Health Technology Assessment at Living Clinical Practice Guidelines bago payagan ang mga hospital na umorder nito sa pamamagitan ng gobyerno.


Hindi pa kasi bukas sa merkado ang Ronapreve at tanging gobyerno lamang ang pwedeng bumili at mamahagi nito.

Ang Ronapreve o mas kilalang REGEN-COV ay isang treatment drug mula Amerika kung saan ginagaya nito ang antibodies ng katawan upang labanan ang mga impeksyon.

Facebook Comments