COVID-19 trend sa NCR at Calabarzon, patuloy na bumubuti; Positivity rate sa Laguna at Cavite, “very high” pa rin

Patuloy na bumubuti ang trend ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at Calabarzon.

Sa datos na inilabas ng OCTA Research Team ngayong araw, nasa “moderate” na lamang ang COVID-19 average daily attack rate (ADAR) sa Batangas, Quezon at Rizal.

Ang ADAR ay tumutukoy sa average na bilang ng mga bagong kaso kada 100,000 indibidwal.


Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, 9.56 na lamang ang ADAR sa Batangas; 9.55 sa Rizal at 5.30 sa Quezon province.

Nananatili naman sa “moderate risk” ang growth rate ng National Capital Region (NCR) na nasa -54% gayundin ang Batangas na may -51%; Quezon, -55%; Rizal, -62% at Laguna at Cavite na may -65%.

“Very low” na rin ang reproduction rate o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa dalawang rehiyon habang “low” ang healthcare utilization rate.

Gayunman, “very high” pa rin ang positivity rate sa Laguna na nasa 26% at Batangas, 23%.

Kaya paalala ng OCTA, patuloy na sumunod sa minimum public health standards.

Facebook Comments