COVID-19 trend sa NCR, Davao at Bacolod, pumapatag na – OCTA

Nakikita na ng OCTA Research Group ang “flat trend” ng COVID-19 infections sa ilang bahagi ng bansa, lalung-lalo na sa mga lugar na nakapagtala ng mataas na kaso nitong mga nakaraang linggo.

Batay sas COVID Act Now metrics, ang mga local government units (LGUs) na may reproduction numbers sa pagitan ng 0.9 at 1.1 ay nangangahulugang walang nakikitang upward o downward trend.

Sa monitoring report, ang reproduction number sa National Capital Region (NCR) ay tumaas sa 0.91 mula sa 0.90 noong April 21.


Ibig sabihin, walang nakikitang pagtaas o pagbaba ng bilang ng infections.

Bukod sa NCR, nagkakaroon na rin ng flat trend sa Davao City, Bacolod City, Cagayan de Oro, General Santos City, Baguio City, at Calamba City.

Pero sinabi ng OCTA na ang Davao City, Iloilo City, General Santos City, Baguio City, Tagum City, at Santa Rosa City ay nananatiling COVID-19 high risk areas.

Samantala, ang NCR, Bacolod City, Cebu City, Cagayan de Oro City at Calamba City ay ikinokonsiderang moderate risk.

Ang Pilipinas, sa kabuoan ay ikinokonsiderang nasa moderate risk ng COVID-19.

Facebook Comments