COVID-19, umabot na sa Antartica; record-high na 3 MILYONG COVID-19 cases kada araw, naitala sa buong mundo

Kumprimadong nakapasok muli sa Antartica ang COVID-19 matapos magpositibo sa virus ang 24 katao ng La Esperanza base ng bansang Argentina.

Ayon kay Patricia Ortuzar, Directorate of the Antartic ng Argentina, siyam sa 24 na nagpositibong indibidwal ay unvaccinated kaya inilikas na ito pabalik ng bansa.

Paliwanag ni Ortuzar, nagpasya itong hintayin na mabakunahan sa Argentina dahil natatakot ang mga ito sa posibleng side-effects ng extreme weather sa Antartica.


Naka-quarantine naman sa base ang natitirang 15 indibidwal kung saan wala ring nararamdamang sintomas ng COVID-19.

Matatandaang unang tinamaan ng COVID-19 ang Antartica noong Disymebre 2020 kung saan 36 katao mula sa Bernardo O’Higgins base ng bansang Chile ang nagpositibo sa virus.

Samantala, nakapagtala ang buong mundo ng 3 million daily average COVID-19 cases mula January 13 hanggang 19 dahil sa banta ng Omicron variant.

Mas mababa ito sa naitalang 800,000 average global daily infections noong Abril ng nakaraang taon.

Facebook Comments