COVID-19 vaccination at microchipping sa mga hayop sa Valenzuela, tuloy pa rin kahit walang pasok ngayong araw

Tuloy pa rin ang bakunahan sa lungsod ng Valenzuela City kahit na walang pasok ngayong araw ang mga opisina sa lungsod.

Ito ay bilang paggunita sa ika-398 taon na pagkakatatag ng lungsod ay walang pasok sa mga tanggapan sa lokal na pamahalaan ng Valenzuela.

Pero sa kabila nito, tuloy-tuloy pa rin ang COVID-19 vaccination ng lungsod gayundin ang nakatakdang microchipping activity para sa mga alagang hayop.


Ang mga may schedule ng vaccination ngayong araw ay pinapayuhan pa ring pumunta sa vaccination center sa itinakdang oras.

Bukod dito, sisimulan din ang Valenzuela City Pets Application (ValPets) Program kung saan lalagyan ng RFID microchip ang mga pets at uunahin muna rito ang mga alagang aso.

Facebook Comments