COVID-19 vaccination campaign, hindi dapat maantala ng ibang problemang kinakaharap ng bansa

Umapela ang Kamara sa pamahalaan na hindi dapat maapektuhan at maantala ng ibang mga problema ang COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

Giit ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, ang problema sa inflation o mabilis na pagtaas sa presyo ng mga bilihin at pagtaas ng presyo ng langis ay hindi dapat makahadlang sa pangangailangan na maturukan ng COVID-19 vaccine at mabigyan ng booster shots ang mayorya ng mga Pilipino.

Ipinunto ng Kamara na ngayong lalawak pa ang face-to-face classes sa mga colleges at universities, higit dapat na mas pagtuunan ang pagbabakuna sa mga mamamayan.


Tinukoy rin ang pagbubukas ng maraming negosyo na bagama’t karamihan sa mga tauhan ay bakunado na, may iilan pa rin ang hindi nakakatanggap ng bakuna at may pagaalinlangan sa bakuna.

Umapela ang mga kongresista na hindi dapat mawala sa sistema ng bansa ang pagbabakuna sa kabila ng pagresolba sa iba pang suliranin na pwedeng kaharapin tulad ng epektong dulot ng Ukraine-Russia.

Facebook Comments