COVID-19 vaccination cards, ire-require sa mga Pilipinong pupunta ng China – Galvez

Kailangang magpakita ng vaccination cards ang mga gustong pumunta ng China bilang patunay na nabakunahan na sila laban sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. sa harap ng paghihigpit ng pamahalaan sa pagpasok at pag-alis sa bansa ng mga Pilipinong biyahero.

Ayon kay Galvez, posibleng humingi ang China ng katibayan na naturukan na ng COVID-19 vaccine ang isang biyahero lalo na at nagsimula na rin ang kanilang immunization campaign.


Nilalaman ng vaccine booklets ang petsa kung kailan itinurok ang una at pangalawang dose at ang brand ng bakunang ginamit.

Bukod dito, kailangan pa ring magpakita sa China ng negatibong COVID-19 test.

Matatandaang inanunsyo ng Beijing na gagawin nilang simple ang visa applications sa mga foreign nationals na nabakunahan ng Chinese vaccines laban sa COVID-19.

Facebook Comments