“COVID-19 vaccination exemption cards” na kumakalat ngayon, peke ayon sa DILG

Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na peke ang mga kumakalat ngayon na “COVID-19 vaccination exemption cards” na napaulat na ginagamit ng ilang indibdiwal.

Ayon kay DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, walang anumang inilalabas ang gobyerno na ganitong klase ng vaccination exemption cards.

Dahil dito ay nanawagan si Malaya sa mga nag-iinspeksiyon na suriing mabuti ang mga dala ng bawat indibidwal na vaccination cards.


Sa kasalukuyan, umiiral ang “no vax, no labas” at “no vaccine, no ride” policy sa mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila bilang pag-iingat laban sa pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments