COVID-19 vaccination plan ng Muntinlupa, aprubado na ng NTF, CODE Team

Inihayag ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnade na pasado ang kanilang COVID-19 vaccination program matapos itong aprubahan ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 at Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team.

Noong Biyernes, binisita ng NTF-Against COVID-19 at CODE Team ang lungsod ng Muntinlupa upang i-assess ang COVID-19 vaccination plan ng lungsod.

Ayon kay Fresnedi, i-prenesenta ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang “end-to-end planning” sa roll-out ng COVID-19 vaccines sa lungsod.


Ibig sabihin anya, plantsado na ang kanilang proseso ng pagbibigay ng bakuna mula sa procurement process hanggang sa pagbibigay ng equipment disposal.

Sa ilalim ng vaccination program ng lungsod, 82 vaccination teams ang idedeploy sa 35 vaccination posts at target na makapag bakuna ng 8,200 individuals per day.

Facebook Comments