Anim na ospital sa Metro Manila ang unang makatatanggap ng COVID-19 vaccines na gawa ng Sinovac BioNtech ng China, kasabay ng paglulunsad ng immunization program ngayong araw.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang mga ospital na makakatanggap ng initial vaccine supply ay ang sumusunod:
- Philippine General Hospital (PGH)
- Lung Center of the Philippines
- Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Medical Center
- Veterans Memorial Medical Center
- Philippine National Police General Hospital
- Victoriano Luna Medical Center in Quezon City
Ang makasaysayang pagpapabakuna ay sabay-sabay na gagawin mamayang alas-9:30 ng umaga.
Ang vaccination campaign sa PGH ay inaasahang dadaluhan nina Vaccine Czar Carlito Galvez, Presidential Spokesperson Harry Roque, Food and Drug Administration (FDA) Director-General Rolando Enrique Domingo, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos at Manila Mayor Isko Moreno.
Si Health Secretary Francisco Duque III ay pangungunahan naman ang event sa Lung Center kasama sina MMDA General Manager Jojo Garciaat Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Dr. Jose Rodriguez Hospital ay dadaluhan naman nina Testing Czar Vince Dizon at Caloocan Mayor Oscar Malapitan.