COVID-19 vaccination program, gawing mas “ambitious” ng pamahalaan – kongresista

Iminungkahi ni Ways and Means Chairman Joey Salceda na gawing mas “ambitious” ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination program upang matulungan ang mga Pilipinong nawalan ng trabaho.

Ang panawagan ay kasunod ng resulta ng latest Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan naitala ang pagtaas sa 4 million ng mga unemployed na Pilipino nitong Enero 2021 mula sa dating 3.8 million na naitala noong Oktubre ng 2020.

Welcome para sa kongresista ang pahayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na handa ang pamahalaan na magbayad ng malaki para makuha ng mas maaga ang mga COVID-19 vaccines sabay binigyang-diin niya na may pondo para sa bakuna.


Ayon kay Salceda, kinakailangang maging mas “ambitious” ang COVID-19 vaccine rollout ng pamahalaan para sa mas mabilis na pagbangon ng ekonomiya at hindi dapat tayo nakadepende sa mga donasyon lamang.

Sa pamamagitan ng mabilis na vaccine rollout ay mababawi agad ang mga nawala sa ekonomiya dahil makakalabas na ang mas maraming Pilipino at magiging daan ito sa pagtaas ng government spending na magreresulta sa paglikha ng mga trabaho.

Ipinunto pa ng mambabatas na magiging daan ito sa mas pagbubukas pa ng public transport operations na makakatulong naman sa manufacturing at industrial growth.

Isinisisi naman ni Salceda na isa sa dahilan ng pagtaas ng mga unemployed ay ang kabiguan ng gobyerno sa pagpapatupad ng credit stimulus.

Facebook Comments