COVID-19 vaccination program sa Metro Manila, palalawakin – Galvez

Plano ng pamahalaan na palawakin ang immunization program laban sa COVID-19 sa Metro Manila kasabay ng pagdating ng karagdagang supply ng bakuna.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nasa 120,000 individuals sa National Capital Region (NCR) ang target na mabakunahan kada araw kapag nagkaroon na ng stable na suppy na 3.3 million vaccines bawat buwan.

Kapag nakamit ito, maaaring maabot ang herd immunity sa Nobyembre sa NCR.


Bukod dito, target din ng pamahalaan na makapagbakuna ng nasa 500,000 individuals kada araw sa buong bansa simula sa ikatlong kwarter ng taon para makamit ang herd immunity sa buong bansa.

Facebook Comments