Kailangang maghintay ng mga Pilipino hanggang 2031 para maabot ang herd immunity laban sa COVID-19.
Ito ay kapag nabigo ang pamahalaan na maabot ang pagbabakuna sa 300,000 tao kada araw.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo na para maabot agad ng bansa ang herd immunity ay kailangang nasa higit 300,000 tao ang dapat mabakunahan kada araw o dalawang milyon bawat linggo.
Sa ngayon, dahil sa limitadong vaccine supply, nasa 35,000 tao kada araw lamang ang nababakunahan ng gobyerno.
Kapag nakapagsimula ang pamahalaan na makapagbakuna ng nasa dalawa hanggang tatlong milyong Pilipino sa Agosto ay tiyak na makakamit ang herd immunity bago magtapos ang taon.
Kapag naabot ang herd immunity, maaaring magbukas ang ekonomiya at mababawasan na ang ipinapatupad na restrictions.
Nabatid na nasa 70 milyong Pilipino ang target na mabakunahan ng pamahalaan para maabot ang herd immunity.