COVID-19 vaccination roll-out, ipaubaya na lamang sa mga health expert imbes na sa militar

Imbes sa militar ay ipaubaya na lamang ng pamahalaan sa mga health expert ang vaccine roll-out.

Ayon kay Integrated Bar of the Philippines President Atty. Egon Cayosa, ito ay upang hindi matakot at maiwasan na mag-isip ang publiko hinggil sa tila batas militar na hakbang ng gobyerno.

Aniya, mas magtitiwala ang publiko sa bakuna kung mga dalubhasa ang hahawak ng COVID-19 vaccine roll-out at maiging tumulong na lang ang militar sa pagpapatupad ng peace and order habang inilulunsad ang pagbabakuna.


Samantala, ayon kay National Action Plan Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon, araw na lang ang bibilangin bago dumating ang 117,000 doses ng bakuna mula sa Pfizer.

Pagtitiyak niya, magiging ligtas at epektibo ang mga bakunang darating sa bansa.

“Hopefully magiging finish line natin, at ito na yung ating pagbabakuna. Kaya hinihikayat natin ang ating mga kababayan na magtiwala sa mga bakunang parating. Sinisigurado po natin na ito ay magiging ligtas at epektibo. Hindi po tayo magpapasok ng mga bakuna na hindi dadaan sa napaka-istriktong proseso at talagang aaraling mabuti ng ating mga eksperto,” si Dizon sa ambush interview ng RMN Manila.

Facebook Comments