COVID-19 vaccination sa healthy population, sisimulan sa susunod na kwarter – Galvez

Uumpisahan ng pamahalaan sa ikalawang kwarter ng taon ang pagpapabakuna sa mga Pilipinong hindi kasama sa priority list ng COVID-19 inoculation program.

Ito ay matapos dumating ang 600,000 doses ng Sinovac Biotech vaccines na donasyon ng Chinese government.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., susundin pa rin ang priority list, kung saan ang mga medical frontliners ang unang mababakunahan.


Pagkatapos nito ay babakunahan naman ang mga tauhan mula sa mga government institutions na nagbibigay ng essential services hanggang sa mga frontliner workers kabilang ang economic frontliners.

Bukod sa healthcare workers, kasunod ang mga senior citizens, mga indibidwal na mayroong comorbidities at uniformed personnel.

Hinimok ni Galvez ang publiko na makilahok sa mass vaccination para maabot ng pamahalaan ang herd immunity sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng nasa 70 milyong Pilipino.

Hindi na pwedeng maging ‘choosy’ pa ang gobyerno sa brand ng bakunang ibibigay sa mga Pilipino lalo na at nagkukulang ang supply ng bakuna sa mundo.

Facebook Comments