Posibleng mabakunahan na kontra COVID-19 ang mga bata at kabataan sa ika-4 na kwarter ng taon.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., na malaking bahagi ng COVID-19 vaccine na epektibo para sa mga menor de edad ay darating sa huling quarter ng taong ito.
Aniya, ang pagbabakuna sa halos 29 milyong menor de edad sa bansa ay isang daan para maabot ang herd immunity at para maibalik na rin ang face-to-face classes.
Nabatid na ang Sinovac, Moderna at Pfizer ay una nang binigyan ng go signal para gamitin sa mga bata at kabataan sa ilang bansa.
Facebook Comments