COVID-19 vaccination target sa bansa, binabaan

Ibinaba ng pamahalaan sa 77 million hanggang 80 million ang target na bilang ng mga mababakunahan sa bansa mula sa orihinal na 90 milyon hanggang sa katapusan ng Hunyo.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ito ay dahil sa pagbagal ng vaccination rate ngayong taon kung saan mula sa 18.2 million doses na naituturok noong Enero ay nasa 8.7 million na lamang ito noong Pebrero at bumaba pa sa 6.7 million noong Marso.

Aniya, bumagal ang vaccination drive sa bansa dahil na rin sa pananaw ng mga tao na nabawasan ang “severity” ng COVID-19 dahil nananatiling mababa ang mga naitatalang critical at severe cases ng virus.


Samantala, hanggang noong Martes, Abril 19, nasa 67.1 milyong indibidwal na ang nakakumpleto sa bakuna pero 12.7 lamang dito ang nakapagpaturok ng booster shots.

Facebook Comments