COVID-19 vaccine agreement ng gobyerno sa AstraZeneca, pirmado na – Galvez

Pinirmahan na ng pamahalaan ang tripartite agreement kasama ang pribadong sektor kung saan kinatawan ang Go Negosyo Foundation, at United Kingdom-based pharmaceutical company AstraZeneca para sa supply 2.6 million doses ng COVID-19 vaccines sa bansa sa susunod na taon.

Sinelyuhan ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez ang partnership kay Lotis Ramin, ang Country President ng AstraZeneca Philippines.

Ang bakuna ay dine-develop sa tulong ng Oxford University at lumalabas na nasa 70% na ang epektibo nito laban sa COVID-19.


Ang mga bakuna ay ido-donate sa Department of Health (DOH) na siyang mangangasiwa sa deployment.

Kalahati ng donasyon ay ilalaan sa government frontliners habang ang 50% ng supply ay sakop ang mga empleyado sa pribadong sektor, regular man o contractual.

Bukod sa 2.6 million doses ng bakuna, mayroon ding nagpapatuloy na negosasyon sa AstraZeneca para sa karagdagang 20 million doses na babayaran ng gobyerno.

Inaasahang darating ang bakuna sa Mayo o Hunyo ng susunod na taon.

Facebook Comments