Muling umarangkada ang COVID-19 vaccine awareness at registration program ng pamahalaang lungsod ng San Juan ngayong araw.
Ayon kay Mayor Francisco Zamora, pasado alas-8:00 ng umaga nang mag-umpisang umikot ang mga tauhan ng San Juan City Government sa Barangay Salapan upang magbigay ng tamang kaalaman ukol sa bakuna laban sa COVID-19.
Tatagal aniya ang kanilang pagbabahay-bahay hanggang alas-4:00 ng hapon ngayong araw.
Maliban dito, pwede na rin aniya magparehistro ang mga taga-barangay na hindi pa nakakapagparehistro online.
Kailangan lang aniya ihanda ang kanilang government-issued ID at ang kanilang PhilHealth number, para sa mga miyembro ng PhilHealth.
Noong Pebrero 9 ngayong taon nang simulan ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan kanilang COVID-19 vaccine awareness program.