Hindi pa rin inirerekomenda ng health experts ang paggamit ng booster shots para sa mga fully vaccinated laban sa COVID-19.
Iginiit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kulang pa ang mga ebidensya para sabihing kailangan ng booster doses.
Ipinunto pa ni Vergeire na marami pang Pilipino ang hindi nababakunahan.
Hinihintay pa nila ang resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Department of Science and Technology (DOST) ukol dito at maging sa mix and match ng magkakaibang COVID vaccine brands.
Ang naturang pag-aaral ay aabutin ng 18 buwan.
Facebook Comments