Magsisimula sa Disyembre ang clinical trials para sa COVID-19 vaccine.
Nabatid na inanunsyo ng World Health Organization (WHO) na mag-uumpisa sa December 2020 ang clinical trials at inaasahang makapipili na ng trial sites ngayong linggo.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tatanggalin na sa listahan ng mga gamot na isinasalang sa trial ang interferon matapos ideklara ng WHO na hindi epektibo.
Ang acalabrutinib, isang cancer drug ay itinuturing na official.
“Official na ang acalabrutinib, dumating na doses last Monday. Yung isa pa na susubukan yung monoclonal antibodies; isasama na sa clinical trials ng WHO,” sabi ni Vergeire.
Dagdag pa ni Vergeire, patuloy pa ring pinag-aaralan ng WHO ang remdesivir dahil kailangan nila ng karagdagang datos at impormasyon para magkaroon ng accurate findings.
Ang Chinese vaccine na Sinovac ay kailangang magkaroon ng approval mula sa Ethics Board bago umusad ang proseso nito at makakuha ng clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA).