Ipinasasantabi ni dating Speaker at Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano ang usapin sa Charter Change.
Aniya, wrong timing ang hakbang na baguhin ang Saligang Batas ngayong panahon ng pandemya.
Giit nito, mas importante na unahing makakuha muna ng bakuna ang Pilipinas.
Punto pa ni Cayetano, divisive ang isyu ng Charter Change at hindi ito makakatulong.
Kahit aniya sabihing economic provisions lang ang gagalawin sa panukalang amyenda sa konstitusyon ay tiyak na mag-aaway-away pa rin ang mga pulitiko.
Sa oras naman aniyang pumasok na ang debate sa term extension, at iba pang isyu, ay mas lalong hindi matututukan ang vaccination program na siyang pinaka-importante ngayon.
Ipinaalala ng kongresista na nag-umpisa na ang pagbabakuna sa mga karatig-bansa habang parating pa lang ang bakuna sa Pilipinas at marami pang kailangang pag-usapan at ayusin dito.