Naniniwala ang eksperto mula sa Department of Health (DOH) na ang bisa ng mga bakuna laban sa COVID-19 ay hindi makakaapekto sa bagong variant sa United Kingdom.
Ayon kay DOH Technical Advisory Group Dr. Edsel Salvana, maaaring ‘gradual’ lamang ang posibleng implikasyon ng bagong strain ng virus sa bisa ng mga bakuna.
Kapag may maayos na surveillance system, malalaman agad ng mga eksperto ang mga susunoid na gagawin at magkaroon ng adjustments para gawing epektibo ang bakuna.
Aniya, nagmu-mutate ang mga virus kasabay ng pagtaas ng bilang ng infections.
Sinabi naman ni Dr. Cynthia Saloma ng Philippine Genome Center na bahagi ng proseso ng isang virus ang mutation, at nangyayari ito kapag nagkaroon ng ‘error’ sa kanilang pagkopya o replication process.
Kaya paalala ni Dr. Anna Ong-Lim sa publiko na sundin ang minimum health protocols para maiwasan ang development ng bagong variant ng virus.
Nabatid na nasa higit 12,000 mutations ang naitala sa SARS-CoV-2.