Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Presidential Spokesperson Harry Roque at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na magsagawa ng mga programa para ipagbigay alam sa publiko ang COVID-19 immunization program ng pamahalaan.
Matatandaang iniulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na tatlo sa bawat 10 residente sa Metro Manila lamang ang gustong magpabakuna laban sa COVID-19.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na dapat dalawang beses sa isang linggo ang programa.
Dapat aniya malaman ng publiko ang benepisyo ng bakuna.
Ipauubaya na ng Pangulo kina Roque at Galvez ang hakbangin na ito para maitaas ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna.
Pagtitiyak ng Pangulo na ginagawa ng Pangulo ang lahat para matugunan ang pandemya.
Bago ito, inanunsyo ng Malacañang na isasapubliko ang pagpapabakuna ni Pangulong Duterte at iba pang government officials.