Inamin ng Presidential Security Group (PSG) na nakakuha sila ng libreng COVID-19 vaccine.
Ayon kay PSG Commander Brigadier General Jesus Durante III, napagpasyahan nilang magpakuna at ipinagbigay alam na lamang nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ito pagkatapos ang vaccination.
Aniya, nagsagawa sila ng research sa kung anong bakuna ang kukunin para sa close-in security personnel na nakapaligid sa Pangulo.
Tumanggi si Durante kung sino ang nagbigay sa kanila ng bakuna.
Ayaw ding banggitin ni Durante kung anong brand ang kanilang ginamit.
Iginiit niya na ginawa nila ito para protektahan ang Pangulo mula sa virus.
Hindi pa aniya nababakunahan ang Pangulo at naghihintay sa ‘perpektong’ bakuna.
Tingin ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na posibleng may breach sa regulatory process ang pag-procure ng PSG ng bakuna.