COVID-19 vaccine mix-and-match, posibleng masimulan na ngayong buwan

Umaasa ang Vaccine Expert Panel (VEP) na masisimulan na ngayong buwan ang COVID-19 vaccine mix-and-match.

Ayon kay Department of Science nd Technology (DOST) Vaccine Expert Panel (VEP) Head Dr. Nina Gloriani, isa pang brand ng COVID-19 vaccine ang nais sumali sa gagawing pag-aaral.

Pero sigurado na aniyang kasama sa pag-aaral ang limang brand ng bakuna.


Para naman sa booster shot, sinabi ni Gloriani na ang mas mahabang pagitan sa pagtuturok ay mas mainam.

Hindi aniya kailangang madaliin ang pagbibigay ng booster shot lalo’t limitado pa ang supply ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Facebook Comments